Inihayag kamakailan ni Dmitry Peskov, Press Secretary ng Pangulong Ruso, na natanggap ni Pangulong Vladimir Putin ang imbitasyon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagdalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Winter Games. Aniya, magkasamang ilalabas ang mga kaukulang impormasyon, pagkaraang tiyakin ng kapuwa panig ang lahat ng mga detalye.
Tungkol dito, sinabi kahapon, Nobyembre 23, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang magkasamang pagpapatupad ng mga dakilang usapin ay magandang tradisyon ng Tsina at Rusya nitong nakalipas na maraming taon.
Dagdag niya, noong 2014, dumalo si Pangulong Xi sa seremonya ng pagbubukas Sochi Winter Olympics, at sa kasalukuyan, inanyayahan din niya si Pangulong Putin para sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics, at buong lugod na tinanggap ni Putin ang imbitasyong ito. Mahigpit ang pag-uugnayan sa ngayon ng kapuwa panig hinggil sa mga usapin kaugnay ng pagbisita ni Putin sa Tsina.
Nananalig aniya siyang muling matatamo ng mga atletang Tsino’t Ruso ang magandang resulta, at gagawin ang kinakailangang ambag para sa pagtataguyod ng isang “simple, ligtas at kamangha-manghang” Olimpiyada.
Salin: Vera
Pulido: Mac