Epekto ng kalakalang panlabas ng Tsina sa kabuhayang ng bansa at daigdig, humihigpit

2021-11-25 16:42:03  CMG
Share with:

Sa isang planong pinamagatang De-kalidad na Pagpapaunlad ng Kalakalang Panlabas Sa Panahon ng 2021-2025, iniharap ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang layunin ng kalakalang panlabas ng bansa bago ang taong 2035 para ibayo pang palakasin ang komprehensibong puwersa, koordinasyon, inobasyon, pagpapalalim ng kooperasyon at pagbubukas sa labas, at pagpapabuti ng sistemang pangkaligtasan.
 

Isiniwalat ni Ren Hongbin, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina na pagpasok ng taong 2021, kinaharap ng bansa ang masalimuot na kalagayan sa loob at labas ng bansa, nananatiling mabilis ang paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina at ang mga trade partners ay sumasaklaw sa mahigit 230 bansa at rehiyon sa buong daigdig. Umabot sa 15 bilyong dolyares ang pag-aangkat at pagluluwas bawat araw at ang halos 50% na order ay galing sa mga bagong economiya at umuunlad na bansa, dagdag pa ni Ren.
 

Ipinahayag pa ni Ren na sa susunod, batay sa mga aktuwal na kahirapan at pangangailangan ng mga bahay-kalakal, ilalabas ng kanyang ministri ang serye ng patakaran para maigarantiya ang pagtakbo ng kalakalang panlabas sa isang makatwirang interval.


Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method