CMG Komentaryo: Pangkalahatang tunguhin ng pagbuti ng kalakalang panlabas ng Tsina, hindi nagbabago

2021-10-14 15:28:30  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas kahapon, Oktubre 13, 2021 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 28.33 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalan ng paninda ng bansa noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, at ito ay lumaki ng 22.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Kabilang dito, magkahiwalay na lumaki ng 22.7% at 22.6% ang pagluluwas at pag-aangkat, ayon sa pagkakasunod.
 

Samantala, may pagtaas din ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa bawat kuwarter, at nananatili ang may-kabilisang paglago nito.

CMG Komentaryo: Pangkalahatang tunguhin ng pagbuti ng kalakalang panlabas ng Tsina, hindi nagbabago_fororder_20211014kalakalan

Ayon pa sa datos, ang patuloy na pagbangon ng kabuhayang domestiko ng Tsina ay nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa tuluy-tuloy na paglaki ng kalakalang panlabas.
 

Dagdag pa riyan, ang mga mabisang patakarang isinasagawa ng Tsina ay nakapagpasigla rin ng kompiyansa ng mga kompanya, at nakapagpasulong sa pangmatalagang pag-unlad ng kalakalang panlabas.
 

Bukod dito, ang pagbuti ng kapaligirang panlabas ay nagsilbing paborableng kondisyon ng kalakalang panlabas ng bansa.

Bilang pinakamalaking bansa ng kalakalan ng paninda sa daigdig, lubhang mahalaga ang matatag at malusog na pagbangon ng kalakalang panlabas ng Tsina para sa pagpapatatag ng industry chain at supply chain ng buong mundo.
 

Magkakaloob ito ng lakas-panulak para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig na kinabibilangan ng kabuhayang Tsino.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method