Isang pragmatiko, matapat at konstruktibong pagpapalitan ang naganap sa video call kaninang umaga, Oktubre 9, 2021 sa pagitan nina Liu He, Pangalawang Premyer Tsino at Puno ng Panig Tsino sa China-U.S. Comprehensive Economic Dialogue, at Trade Representative Katherine Tai ng Amerika.
Tinalakay ng kapuwa panig ang mga isyu sa tatlong aspekto:
Una, napakahalaga ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Amerika para sa dalawang bansa at buong daigdig, kaya dapat palakasin ang bilateral na pagpapalitan at pagtutulungan sa kabuhaya’t kalakalan.
Ika-2, nagpalitan ang kapuwa panig ng kuru-kuro hinggil sa kalagayan ng pagpapatupad ng kasunduang pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa.
At Ika-3, inihayag ng kapuwa panig ang sarili nilang nukleong pagkabahala, at sinang-ayunang resolbahin ang makatwirang pagkabahala ng isa’t isa, sa pamamagitan ng pagsasanggunian.
Isinagawa ng panig Tsino ang representasyon hinggil sa pagkansala ng karagdagang taripa at sangsyon, at inilahad ang paninindigan nito sa mga isyung gaya ng modelo ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, mga patakaran ng industriya at iba pa.
Sinang-ayunan ng magkabilang panig na patuloy ma mag-ugnayan batay sa pantay-pantay na pakikitungo at paggagalangan, para likhain ang magandang kondisyon sa malusog na pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa, at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac