Xi Jinping: dapat magkakasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Aprika

2021-11-28 11:08:34  CMG
Share with:

Ang kasalukuyang taon ay mahalagang taon para sa kooperasyong Sino-Aprikano.

Sa Ika-2 China-Africa Economic and Trade Expo na ipininid noong katapusan ng nagdaang Setyembre, umabot sa 22.9 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng nalagdaang kasunduan.

Bukod pa riyan, gaganapin sa katapusan ng kasalukuyang buwan sa Dakar ang Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika. Sa panahong iyon, ilalabas ang isang serye ng bagong hakbangin upang mapasulong ang pragmatikong pagtutulungan ng kapwa panig.

Ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa, at ang Aprika naman ay kontinenteng natatagpuan ang pinakamaraming umuunlad na bansa.

Tulad ng sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa harap ng bagong pagkakataon at hamon, mas kailangang igiit ng Tsina at Aprika ang komong ideya ng halaga ng buong sangkatauhan na kinabibilangan ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasiya, at kalayaan.

Dapat din aniyang palakasin ng Tsina at Aprika ang pagkakaisa at kooperasyon upang magkakasamang mapasulong ang kasaganaan at kaunlaran at maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.


Salin: Lito

Please select the login method