Tsina, inilabas ang white paper tungkol sa kooperasyong Sino-Aprikano

2021-11-26 16:52:31  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Nobyembre 26, 2021, ng Tanggapan sa Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang White Paper hinggil sa Kooperasyong Sino-Aprikano sa Bagong Panahon.
 

Ang nasabing white paper ay binubuo ng apat na bahagi na kinabibilangan ng pagtatatag ng Tsina at Aprika ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, walang humpay na pagpapalawak ng kooperasyon ng magkabilang panig sa mga iba’t ibang sektor, buong tatag na pagpapalakas ng suporta sa isa’t isa at paglikha ng bagong kalagayan ng relasyong Sino-Aprikano sa bagong panahon.
 

Ayon sa white paper, ang pagpapasulong ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga bansang Aprikano ay pundasyon ng pakatarang panlabas ng Tsina at estratehikong pagpili rin ng bansa.
 

Sa summit sa kooperasyong Sino-Aprikano sa Beijing noong 2018, buong pagkakaisang ipinasiya ng mga lider ng Tsina at bansang Aprikano na itatatag ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan at palalimin ang kooperasyon sa balangkas ng Belt&Road. Ito ay naging bagong milestone sa relasyong Sino-Aprikano.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Frank

Please select the login method