Ayon sa pangako ng Tsina nang sumapi ito sa World Trade Organization (WTO) noong Setyembre 17, 2001, ibababa nito sa 9.8% mula sa 15.3% ang pangkalahatang lebel ng taripa ng Tsina bago ang Enero 1, 2010.
Mula noong 2002, unti-unting ibinaba ng Tsina ang taripa ng pag-aangkat, at natamo ang malaking bunga. Sa kasalukuyan, umabot sa 7.4% ang pangkalahatang lebel ng taripa ng Tsina, na mas mababa kaysa sa ibang umuunlad na miyembro ng WTO, at malapit sa lebel ng mga maunlad na bansa ng WTO.
Salin:Sarah
Pulido:Mac