20 taong pagsapi sa WTO: Tsina, ibayo pang magbubukas at makikipagtulungan sa daigdig

2021-11-10 09:52:19  CMG
Share with:

20 taong pagsapi sa WTO: Tsina, ibayo pang magbubukas at makikipagtulungan sa daigdig_fororder_WTO

 

Kaugnay ng ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa World Trade Organization (WTO) ngayong taon, ibayo pang magbubukas ang bansa sa mataas na lebel para ibahagi sa daigdig ang pagkakataong dulot ng pag-unlad nito. 

 

Ito ang winika sa regular na preskon, Martes, Nobyembre 9, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang reaksyon sa Sesyon sa Mataas na Lebel hinggil sa Ika-20 Anibersaryo ng Pagsapi ng Tsina sa WTO sa Shanghai, Nobyembre 5, 2021.

 

Lumahok sa naturang sesyon ang mga kinatawan mula sa Tsina at mga organisasyong pandaigdig, na kinabibilangan nina Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, Director-General Ngozi Okonjo-Iweala ng WTO, Secretary-General Rebeca Grynspan ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), President Marcos Troyjo ng New Development Bank, at mga sugong diplomatikong dayuhan na nakabase sa Tsina.

 

Ani Wang, kinilala ng mga kalahok ang pagsapi ng Tsina sa WTO bilang muhon, at bunga nito, sumusulong ang kaunlarang panloob ng bansa at pinapasigla rin nito ng kabuhayang pandaigdig.

 

Inilahad ng tagapagsalitang Tsino na, nitong dalawang dekadang nakalipas, walong beses na tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. 

 

Mula sa 4% noong 2001, lumobo sa 17.4% noong 2020 ang proporsyon ng GDP ng Tsina sa GDP ng daigdig, lahad pa ni Wang.

 

Samantala, ang Tsina aniya ay nahahanay bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at pinakamalaking bansa ng kalakalan sa paninda ng daigdig.

 

Pangako ng Tsina, ani Wang, sa hinaharap, patuloy na buong tatag na pangangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan ng daigdig, konstruktibong pasusulungin ang reporma sa WTO tungo sa tumpak na direksyon, at palalalimin ang rehiyonal at bilateral na pagtutulungang pangkabuhaya’t pangkalakalan para mapasulong ang pagbubukas at pagtutulungang pandaigdig at maitatag ang komunidad ng daigdig na may pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method