Saklaw ng big data industry ng Tsina, lalampas sa 3 trilyong yuan RMB sa 2025

2021-12-01 11:31:17  CMG
Share with:

Sa kasalukuyan, mabilis na muling nabubuo ang pandaigdigang kayariang pangkabuhayan, malinaw na dumarami ang elemento ng kawalang-katiyakan ng pag-unlad, at tumitindi nang tumitindi ang kompetisyong pandaigdig sa mga aspektong gaya ng big data industry, transnasyonal na paggalaw ng data, at pagsasaayos ng data.

Bunga nito, ginagawang mahalagang estratehiya ng iba’t-ibang bansa sa daigdig ang pagpapaunlad ng big data industry.

Pormal na isinapubliko kamakailan ng Tsina ang Plano ng Pagpapaunlad ng Big Data Industry sa Ika-14 na Panlimahang-Taong Plano. Ito ang ikalawang panlimahang-taong plano tungkol sa nasabing industriya.

Noong panahon ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano, mabilis na umuunlad ang big data industry ng Tsina, at natamo ng industriyang ito ang kapansin-pansing bunga.

Noong isang taon, ang saklaw ng industriyang ito ay lumampas sa 1 trilyong yuan RMB.

Bukod pa riyan, ayon sa Ministri ng Industriya at Pang-impormasyong Teknolohiya ng Tsina, hanggang taong 2025, lalampas sa 3 trilyong yuan RMB ang saklaw ng ganitong industriya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method