Pagbubukas ng China-Laos Railway, isang milestone ng relasyon ng magkahanggang bansa: Ministring Panlabas

2021-12-02 16:41:08  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, makikipag-usap si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Thongloun Sisoulith ng Laos bukas Disymbre 3, 2021 at magkasamang sasaksihan ang pormal na pagbubukas ng China-Laos Railway. Sa regular na preskong idinaos kahapon dito sa Beijing, ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay milestone ng relasyon ng Tsina at Laos.
 

Tinukoy ni Wang na ang Tsina at Laos ay mapagkaibigang magkapitbansa at ang kasalukuyang taon ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko, kung saan ang relasyong bilateral ng dalawang bansa ay nasa isang bagong starting point.
 

Umaasa aniya ang Tsina na sa tulong ng China-Laos Railway, mapapasulong ng dalawang bansa ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan, bubuti ang komunikasyon at transportasyong panrehiyon, at magiging mas matatag ang supply chain.

Salin: Sissi

Pulido: Mac

Please select the login method