Sa pamamagitan ng video link, nilagdaan ngayong araw, Nobyembre 30, 2021 ang kasunduan ng mga pamahalaan ng Tsina at Laos hinggil sa daambakal sa hanggahan.
Ito ang kauna-unahang dokumentong pangkooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa sa larangan ng daambakal.
Layon ng nasabing kasunduan na tiyakin ang kaukulang mahahalagang suliraning may kinalaman sa China-Laos Railway, at mga pundamental na alituntunin sa transnasyonal na transportasyon ng daambakal ng kapuwa panig.
Ang paglagda ng kasunduan ay nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa transnasyonal na transportasyon.\
Bilang mahalagang proyekto ng Belt and Road Initiative at palatandaan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, ang China-Laos Railway ay nagsisimula sa Kunming, punong lunsod ng Lalawigang Yunnan ng Tsina, patungong Vientiane, kabisera ng Laos.
Ito ay isang docking project sa pagitan ng Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina, at estratehiya ng Laos sa pagiging land-linked hub, mula sa dating landlocked country.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Lahat ng istasyon ng China-Laos Railway sa loob ng Laos, tapos na ang pagsubok
Power transmission ng buong linya ng China-Laos Railway, matagumpay
China-Laos Railway, magbibigay benepisyo sa mamamayan ng dalawang bansa
Tsina at Laos, walang humpay na pasusulungin ang kooperasyon
Tapos na! Konstruksyon ng pangunahing estruktura ng pinakamahabang tulay sa China-Laos Railway