CMG Komentaryo: Amerika, dapat harapin muna ang sariling problema ng genocide bago itaguyod ang umano’y Summit para sa Demokrasya

2021-12-03 15:42:21  CMG
Share with:

Sa kalilipas na Araw ng Pasasalamat, nagtipun-tipon ang mga miyembro ng tribu ng Native Americans mula sa New England ng Amerika, bilang paggunita sa genocide, pananakop sa lupain, at paglapastangan sa kultura na dinanas ng milyun-milyong Native Americans.
 

Para sa mga pulitikong Amerikano na nagpapalakas at nagtataguyod ng umano’y “Summit para sa Demokrasya,” hindi sila dapat magkunwaring bingi at pipi sa reklamo ng mga Native Americans. Kung nais nitong itaguyod ang umano’y summit, dapat harapin muna ang sariling problema ng genocide.

CMG Komentaryo: Amerika, dapat harapin muna ang sariling problema ng genocide bago itaguyod ang umano’y Summit para sa Demokrasya_fororder_20211203komentaryo

Ang rasismo na nakikita sa iba’t ibang sulok ng Amerika ay ebidensya ng kawalang-bisa ng “Demokrasyang Amerikano.” Pesimistiko ang mga mamamayang Amerikano at lubha nilang ikinalulungkot ang kalagayan ng demokrasya sa sariling bansa. Bakit may lakas-loob ang pamahalaang Amerikano na tangkilikin ang Summit para sa Demokrasya?
 

Ang demokrasya ay komong pagpapahalaga ng buong sangkatauhan. Iba-iba ang pamamaraan ng pagsasakatuparan ng demokrasya, at hindi dapat magmula sa iisang bansa ang paghuhusga.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method