Sa regular na preskon sa Beijing, ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang umano’y Summit for Democracy ay lantarang nagsusulong ng paghihiwalay at komprontasyon.
Sinabi ni Wang na napansin na niyang nitong ilang araw na nakalipas, magkakasunod ng nagpahayag ang Rusya at iba pang bansa ng pagtutol sa naturang pulong. Naitakda ng Amerika ng sariling istardard ng demokrasya at sinusubok na ilakip ang kalahating bahagi ng buong mundo sa kanilang grupo, samantala, inilista ang kalahati bilang mga bansang di-demokratiko. Ang gawaing ito ay grabeng sumisira sa pagkakaisa at pagtitiwalaan ng mga bansa at tiyak na makatatanggap ng mahigpit na pagbatikos mula sa komunidad ng daigdig.
Salin: Sissi
Pulido: Mac