Ayon sa ulat ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa pamamagitan ng video link, makikipag-usap si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa mga namamahalang tauhan ng pangunahing pandaigdigang institusyong ekonomiko sa Diyembre 6, 2021.
Napag-alamang ang mga kalahok ay kinabibilangan nina David Malpass, Presidente ng World Bank, Kristalina Georgieva, Managing Director ng International Monetary Fund, Ngozi Okonjo-Iweala, Director-General ng World Trade Organization, Guy Ryder, Director-General ng International Labor Organization, Mathias Cormann, Secretary-General ng Organization for Economic Cooperation and Development, at Klaas Knot, Tagapangulo ng Financial Stability Board.
Magpapalitan ang mga kalahok ng kani-kanilang kuru-kuro hinggil sa mga isyung tulad ng kalagayang ekonomiko ng buong daigdig, pamamahalang ekonomiko, pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad batay sa patakarang pagbubukas sa labas ng Tsina at iba pa.
Salin: Sissi
Pulido: Mac