Double-digit na paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina, nagpapakita ng kakayahang bumangon at kasiglahan ng kabuhayang Tsino

2021-11-09 11:59:06  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina nitong Linggo, Nobyembre 7, 2021, noong unang 10 buwan ng taong ito, lumaki ng 31.9% ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Kaugnay nito, tinukoy kahapon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang double digit na paglago ng kalakalang panlabas ng bansa noong unang 10 buwan ng 2021 ay nagpapakitang lipos ng kakayahang bumangon at may kasiglahan ang kabuhayang Tsino, at nagiging mas mahigpit ang integrasyon nito sa kabuhayang pandaigdig.
 

Dagdag niya, noong unang 10 buwan ng taong ito, pawang may kapansin-pansing paglaki ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa mga pangunahing trade partner na gaya ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Unyong Europeo (EU), Amerika, Hapon at iba pa, at nananatiling malakas pa rin ang paglago ng kalakalan sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Noong unang tatlong kuwarter, 859.51 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhan na direktang ginamit ng bansa, at ito ay lumaki ng 19.6%.
 

Ibayo pang pabubutihin ng bansa ang pag-aangkat at pagluluwas, paliliitin ang foreign investment access negative list, sususugan at palalawakin ang listahan ng mga industriyang hihimok ang pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal, at sasali sa mga talastasan sa mga larangang gaya ng digital economy, kalakalan at kapaligiran, batay sa aktibo’t bukas na pakikitungo, para likhain ang mas maraming pagkakataon sa buong mundo, at patingkarin ang mas malaking lakas-panulak sa kabuhayang pandaigdig, saad ni Wang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method