Tinukoy ngayong araw, Disyembre 4, 2021, ni Xu Lin, Direktor ng Tanggapan sa Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na sa pamamagitan ng pagtataguyod ng di-umanong "Summit sa Demokrasya," ginagamit ng Amerika ang demokrasya bilang pangangatwiran, para sugpuin at pigilin ang mga bansang may magkakaibang sistemang panlipunan at modelong pangkaunlaran.
Dagdag ni Xu, iginigiit ng Tsina, na dapat maging bukas at inklusibo sa iba't ibang porma ng demokrasya, at igalang ang pagsisikap ng iba't ibang bansa para isagawa ang sariling porma ng demokrasya.
Sinabi rin niyang, labag sa demokrasya ang ideya ng iilang bansa, na tumpak ang sariling porma ng demokrasya at mali ang ibang porma.
Editor: Liu Kai