Pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang LAC, ipinanawagan ng Pangulong Tsino

2021-12-05 09:38:41  CMG
Share with:

Pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang LAC, ipinanawagan ng Pangulong Tsino_fororder_20211204LACXi600

Sa kanyang video speech sa Ika-3 Pulong na Ministeriyal ng Porum ng Tsina at Komunidad ng Latin American at Caribbean States (China-CELAC Forum), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 7 taong nakalipas sapul nang maitatag ang China-CELAC Forum, sa orihinal na inspirasyon ng pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan, at pagpapasulong ng South-South Cooperation, itinatayo ng kapwa panig ang porum bilang pangunahing platapormang pangkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, bagay na nakakapagpasulong sa pagpasok ng relasyon ng Tsina at mga bansa ng Latin American at Caribbean (LAC) sa bagong siglo ng pagkakapantay-pantay, pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan, inobasyon, pagbubukas, at paghahatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

Ipinagdiinan ni Xi na sa kasalukuyan, nakapasok ang daigdig sa bagong panahon ng pagbabago. Kapwa aniyang kinakaharap ng Tsina at mga bansang LAC ang mga bagong problema sa siglong ito na gaya ng pagbangon pagkatapos ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at pagkakaroon ng kanilang mga mamamayan ng maligayang pamumuhay.

Bilang tugon, ipinahayag ni Xi ang pagtatanggap sa aktibong pakikilahok ng mga bansang LAC sa inisyatiba ng kaunlarang pandaigdig.

Umaasa ang Tsina na magsikap kasama ng mga bansang LAC para magkakasamang mapagtagumpayan ang kasalukuyang kahirapan, magkakasamang makalikha ng pagkakataon, at magkakasamang maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong mundo, diin pa niya.


Salin: Lito

Please select the login method