Umuunlad na bansa, tinutulungan ng Tsina upang makilahok sa multilateral na sistemang pangkalakalan

2021-12-06 16:11:09  CMG
Share with:

Sapul nang sumapi ang Tsina sa World Trade Organization (WTO) noong 2001, palagi nitong  ipinagkakaloob sa ibang umuunlad na miyembro ang aktuwal at mabisang suporta.

 

Ang Tsina ay isa sa mga umuunlad na bansa ng mundo na pinakamaagang nagkaloob ng “sero taripa” sa mga pinaka-di-maunlad na bansa.

 

Hanggang Mayo 2021, 97% ng mga panindang mula sa 42 pinaka-di-maunlad na bansang may diplomatikong relasyon sa Tsina ang ginawaran ng “sero taripa.”

 

Sa pamamagitan nito, mabisang napasulong ang pagluluwas ng naturang mga bansa sa pamilihang Tsino.

 

Bukod dito, itinatag ng Tsina noong 2011 ang proyektong tinaguriang “Paglahok ng mga Pinaka-di-maunlad na Bansa sa WTO.”

 

Dahil dito, 6 na pinaka-di-maunlad na bansang lumahok sa WTO ang natulungan. 

Umuunlad na bansa, tinutulungan ng Tsina upang makilahok sa multilateral na sistemang pangkalakalan_fororder_02wto

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method