Tsina, ipinagkakaloob ang mga materyal pang-taglamig sa Afghanistan

2021-11-22 15:59:20  CMG
Share with:

Tsina, ipinagkakaloob ang mga materyal pang-taglamig sa Afghanistan_fororder_20211122Afghanistan

Sa pamamagitan ng tren, sinimulang ihatid nitong Sabado, Nobyembre 20, 2021 ng Tsina ang tulong na humanitaryan na binubuo ng mga kinakailangang materyal para sa produksyon at pamumuhay sa panahon ng taglamig na ipinagkakaloob ng Xinjiang sa Afghanistan.
 

Tinayang tatagal ng humigit-kumulang 12 araw ang buong proseso ng paghahatid.
 

Ayon kay Ma Chao, namamahalang tauhan ng paghahatid ng nasabing pangkat ng materyal, na sapul noong katapusan ng nagdaang Hunyo, mahigit 2,600 toneladang makataong saklolo ang inihatid sa Afghanistan, sakay ng China-Afghanistan freight trains.
 

Kahangga ng Afghanistan ang Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, at maikli ang distansya ng pagbyahe. Ang pagsasaoperasyon ng naturang freight trains ay nagbukas ng tsanel para sa paggarantiya ng paghahatid ng makataong saklolo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method