Afghanistan, handang panatilihin ang mapagkaibigang relasyon sa lahat ng bansa

2021-11-29 14:05:31  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati na isinahimpapawid ng Pambansang Istasyon ng Telebisyon ng Afghanistan, ipinahayag nitong Nobyembre 27, 2021 ni Mohammed Hassan Akhund, pansamantalang Punong Ministro ng Afghanistan, na nakahanda ang kanyang bansa na panatilihin ang mapagkaibigang relasyon at pakikipag-ugnayang ekonomiko sa lahat ng bansa.

Ito ang unang pagtatalumpati sapul nang manungkulan si Mohammed Hassan Akhund bilang pansamantalang PM ng bansa.

Diin pa niya, hindi pahihintulutan ng Afghan Taliban ang paggamit ng anumang organisasyon ng teritoryong Afghan para magbanta sa seguridad ng ibang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method