Nang kapanayamin ng TV France, ipinahayag kahapon ni Jean-Michel Blanquer, Ministro ng Edukasyon, Kabataan at Palakasan ng Pransya na hindi gagayahin ng Pransya ang Amerika at isasagawa ang “diplomatikong boykot” sa Beijing Winter Olympic Games. Sa ngalan ng pamahalaan ng Pransya, dadalo sa gaganaping Olympic at Paralympic Games sina Roxana Maracineanu, Minister Delegate na namamahala sa palakasan at si Sophie Cluzel, Kalihim ng Estado na namamahala sa mga usaping may kinalaman sa mga may kapansanan.
Sinabi ni Jean-Michel Blanquer na ang palakasan ay may sariling mundo, dapat mapangalagaan ito hangga’t maaari mula sa pakikialam ng pulitika. Kung hindi, baka mapunta ito sa direksyon kung saan mawawala ang lahat ng paligsahan.
Salin: Sissi
Pulido: Mac