Subok-palaro para sa 2022 Beijing Winter Olympics, natapos sa Zhangjiakou

2021-12-06 16:57:39  CMG
Share with:

Subok-palaro para sa 2022 Beijing Winter Olympics, natapos sa Zhangjiakou_fororder_2021112709402938023

Matagumpay na natapos kahapon, Disyembre 5, 2021 sa National Ski Jumping Center at  National Cross-Country Skiing Center sa Zhangjiakou, isa sa tatlong competition area ng 2022 Beijing Winter Olympic Games ang 2021-2022  International Snow Federation Ski Jumping Intercontinental Cup at 2021-2022 International Snow Federation Nordic Combined  Intercontinental Cup.
 

Apatnapu’t siyam na manlalaro mula sa 11 bansa ang kalahok sa Ski Jumping Intercontinental Cup, samantalang 32 manlalaro mula sa 12 bansa ang kalahok naman sa Nordic Combined Intercontinental Cup.
 

Ito ang mga pinal na subok-palaro para sa Zhangjiakou competition area bago ang 2022 Beijing Winter Olympic Games.
 

Hinggil dito, ipinahayag ni Wang Bo, namamahalang tauhan ng National Ski Jumping Center, na sa tulong ng mga subok-palaro, naisagawa ang komprehensibong pagsusuri sa lahat ng detalye at naitatag ang matibay na pundasyon para sa gaganaping mga paligsahan ng olimpiyada. 

Salin: Sissi

Pulido: Rhio

Please select the login method