Ang National Speed Skating Oval na tinaguriang“Ice Ribbon”ay ang siyang tanging bagong venue na itinayo para sa mga ice competition ng Beijing 2022 Winter Olympic Games.
Binansagan itong Ice Ribbon dahil ang panlabas na hitsura nito na ginamit ang high-tech curved curtain wall system ay animo’y 22 bigkis lalo na kapag inilawan. Ang mga“bigkis”ay mistulang bakas ng isketing ng mga manlalaro na sumisimbolo sa bilis at sigasig.
Panlabas na anyo ng National Speed Skating Oval
Bilang kauna-unahang Winter Olympic venue sa daigdig na gumagamit ng carbon dioxide transcritical direct cooling ice making technology, ang National Speed Skating Oval ay maaaring gumawa ng 12,000 metro kuwadradong yelo, pinakamalaking saklaw sa Asya. Angkop sa kaligtasan ng kapaligiran ang naturang teknolohiya dahil halos wala itong ibinubugang karbon.
Ang loob ng National Speed Skating Oval
Ang mga manlalaro habang nagsasanay sa National Speed Skating Oval
Labing-apat (14) na laro ang idaraos sa Ice Ribbon sa Beijing Winter Olympic Games na gaganapin mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 20, 2022.
Pagkatapos ng Beijing 2022, ang Ice Ribbon ay bubuksan sa publiko. Puwedeng maglaro ang 2,000 katao ng iba’t ibang ice sports na gaya ng ice hockey at curling.
Salin:Jade
Pulido: Mac
Diyalogo ng mga kabataan ng iba’t ibang bansa sa Winter Olympics, idinaos
Olympic Village ng 2022 Beijing Winter Olympic Games, isasaoperasyon sa Enero 23, 2022
Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics
Beijing 2022 Winter Olympic Games: Shougang Big Air, “kristal na sapatos” sa yelo at niyebe