Kaso ng COVID-19 sa Amerika, lampas na sa 50 milyon

2021-12-14 11:46:21  CMG
Share with:

Kaso ng COVID-19 sa Amerika, lampas na sa 50 milyon_fororder_20211214Amerika

Ayon sa pinakahuling datos ng Johns Hopkins University ng Amerika kahapon, Disyembre 13, 2021, lumampas na sa 50 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.
 

Samantala, 797,916 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Pinakamalaki sa buong mundo ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso at pumanaw sa COVID-19 sa Amerika.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method