Binatikos ng Tsina ang umano'y "Summit for Democracy" na idinaos ng Amerika.
Ayon sa pahayag na inilabas ngayong araw, Disyembre 11, 2021, layon ng Amerika na gamitin ang demokrasya bilang kagamitan at sandata, para sa hegemonya nito, at ang aksyong ito, sa katotohanan, ay taliwas sa demokrasya.
Tinukoy din ng pahayag, na dahil sa mga problemang gaya ng money politics, salungatan ng mga partido, pagkakawatak-watak sa lipunan, pagtatangi sa lahi, lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at iba pa, ang demokrasyang Amerikano ay malayo na sa esensiya ng demokrasya.
Dagdag ng pahayag, ang sistema at modelo ng demokrasya ng isang bansa ay dapat piliin ng mga mamamayan ng bansang ito, batay sa kalagayan ng sariling bansa, at hindi dapat ipilit ng isang bansa ang sariling modelo ng demokrasya sa ibang bansa.
Diin din ng pahayag, nagtatangka ang Amerika na tukuyin ang mga bansa bilang demokratiko o hindi demokratiko, batay sa sariling mga pamantayan. Mauuwi ito sa pagkakahati at pagkakasalungat, at magdudulot ng kaligaligan at kapahamakan sa komunidad ng daigdig.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos