Tsina: Dapat alisin ng Amerika ang ilegal na sangsyon sa Iran at ikatlong panig

2021-12-15 16:25:41  CMG
Share with:

Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) sa isyung nuklear ng Iran na idinaos Disyembre 14, 2021, ipinahayag ni Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat kanselahin ng Amerika ang lahat ng ilegal na sangsyon sa Iran at ikatlong panig. Batay sa pundasyong ito, dapat ituloy ng Iran ang komprehensibong pagsasakatuparan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).

Tsina: Dapat alisin ng Amerika ang ilegal na sangsyon sa Iran at ikatlong panig_fororder_01gengshuang

Ani Geng, ang unilateral na pag-alis ng Amerika mula sa JCPOA ay ang orihinal na dahilan ng krisis na nuklear ng Iran sa kasalukuyan.

 

Binigyan-diin niya na ang isyung nuklear ng Iran ay may kaugnayan sa kalagayan ng rehiyong Gitnang Silangan, at ang diyalogo at talastasan ay tanging tumpak na kalutasan sa isyung ito.

 

Sinabi pa ni Geng na bilang pirmihang miyembro ng UNSC at kalahok na panig ng JCPOA, palagiang nagsisikap ang Tsina para mapangalagaan ang pagkakaroon ng bisa ng JCPOA. Sa hinaharap, patuloy na magsisikap ang Tsina para isagawa ang tunay na multilateralismo, aktibong pasulungin ang talastasan ng pagpapanumbalik ng pagsasakatuparan ng JCPOA, para patingkarin ang konstruktibong papel para sa diplomatikong paglutas ng isyung nuklear at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method