Kung aalisin ang mga sangsyon laban sa Iran, posibleng magkaroon ng “mabuting kasunduan” sa Vienna Talks — Ebrahim Raisi

2021-12-12 13:11:05  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Sabado, Disyembre 11, 2021 ni Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran na kung tatanggalin ng iba pang mga kaukulang panig sa kasunduang nuklear ng Iran ang kanilang sangsyon laban sa bansa, posibleng magkaroon ng “mabuting kasunduan” sa gaganaping Vienna Talks.

Ipinahayag niya na ginagawang estratehiya ng kalaban ang pagpapanatili ng mga sangsyon laban sa Iran.

Bilang tugon, isinasagawa aniya ng Iran ang dalawang hakbang: una, inaalis ang mga negatibong epektong dulot ng ipinapataw na sangsyon at ikalawa, isinasagawa ang mga hakbang para maalis ang mga sangsyon.

Diin pa niya, ang relasyong pangkabuhayan sa pagitan ng Iran at mga kapitbansa nito, ay dapat manatiling matatag para makapagbigay ng kapayapaan sa rehiyong ito.

Noong Nobyembre 29, 2021, pinasimulan ang bagong round ng talastasan sa Vienna kung saan pinag-uusapan ang mga isyung gaya ng pagtanggal ng sangsyon laban sa Iran, at panawagan sa Iran na tupdin ang pangako sa kasunduan ng isyung nuklear nito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method