Iran, determinadong magkaroon ng isang “mabuting kasunduan” sa bagong round ng talastasan hinggil sa isyung nuklear

2021-12-13 16:08:16  CMG
Share with:

Inihayag nitong Linggo, Disyembre 12, 2021 sa social media ni Ali Bagheri Kani, Pangalawang Ministrong Panlabas at Punong Negosyador ng Iran, na isinagawa nang araw ring iyon ang konstruktibo’t mabungang pagtatagpo kasama ang mga punong negosyador ng Tsina at Rusya, hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
 

Aniya, may komong pananaw ang tatlong panig hinggil sa kung paano pasusulungin ang talastasan sa nasabing isyung nuklear, at kokoordinahin kanilang ang paninindigan sa maraming paksa.
 

Saad niya, determinado ang Iran na magkaroon ng isang “mabuting kasunduan” sa kasalukuyang bagong round ng talastasan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method