Tsina sa Amerika: sumapi muna sa UNCLOS bago makialam sa isyu ng South China Sea

2021-12-16 11:57:09  CMG
Share with:

Sa talumpati kamakalawa sa Indonesia ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, sinabi niyang maraming tao mula sa Hilagang-silangang Asya, Timog-silangang Asya, Mekong River at mga islang Pasipiko ang nababahala kaugnay ng “mga agresibong aksyon” ng Tsina, at determinado ang Amerika na igarantiya ang kalayaan sa paglalayag sa South China Sea.
 

Bilang tugon, inihayag nitong Miyerkules, Disyembre 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na hilig ng panig Amerikano na gawing dahilan ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at umano’y South China Sea arbitration upang isulong ang di-umano’y “kaayusan batay sa mga alituntunin.”
 

Ani Zhao, dapat munang sumapi ang Amerika sa UNCLOS bago ito makialam hinggil sa naturang usapin.
 

Saad ni Zhao, nitong nakalipas na mahabang panahon, sa katuwiran ng umano’y kalayaan sa paglalayag, ginugulo ng Amerika sa South China Sea, at malubha nitong isinasapanganib ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
 

Diin niya, dapat igalang ng Amerika ang pandaigdigang pambatas at mga pundamental na simulain ng relasyong pandaigdig, itigil ang mga maling pananalita at aksyong nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan, at ihinto ang pamiminsala sa pagtitiwalaan at pagtutulungan ng mga bansa sa nasabing rehiyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method