Kaugnay ng umano’y “six-monthly report” kaugnay ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na muling ipinalabas kamakailan ng Britanya, ipinahayag Disyembre 15, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay paninirang-puri sa Tsina at pakiki-alam sa mga suliranin ng Hong Kong.
Ito’y mariing tinututulan ng Tsina, saad ni Zhao.
Dagdag niya, ang hakbang na ito ng Britanya ay walang kabuluhan sa isyu ng Hong Kong.
Tinukoy niyang noong nakaraang taon, sapul nang isinagawa ang National Security Law, naganap ang positibong pagbabago sa Hong Kong, at sa ilalim ng mas ligtas na kapaligiran, mas mabuting naigagarantiya ang iba’t-ibang legal na karapatan at kalayaan ng mga taga-Hong Kong at mga mamamayang dayuhan sa lugar.
Anang opisyal Tsino, walang karapatan ang Britanya na batikusin ang ibang bansa hinggil sa isyu ng karapatang-pantao, at bago ito gumawa ng pagpuna, dapat muna nitong itama ang sariling problema.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio