Ika-22 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inang-bayan, ipinagdiriwang

2021-12-20 17:04:15  CMG
Share with:

Ngayong araw, Disyembre 20, 2021 ay ika-22 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inang bayan.

 

Ika-22 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inang-bayan, ipinagdiriwang_fororder_dba77cccfce24c6db7b41ea3ab9a6f34-750

 

Bilang selebrasyon, isang seremonya ng pagtataas ng watawat ang idinaos sa Golden Lotus Square sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR) sa katimugang Tsina.

 

Kabilang sa mga kalahok sa naturang seremonya ang delegasyon ng mga Olimpiyano mula sa Chinese mainland.

 

Ang delegasyon na binubuo ng 29 na atleta at 3 tagasanay mula sa 12 laro o sports event ay dumating ng MacaoSAR, Linggo, Disyembre 19, para sa tatlong araw na pagdalaw.

 

Ika-22 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inang-bayan, ipinagdiriwang_fororder_1128179384_1639958231137_title0h

 

Nakatakda silang lumahok sa iba’t-ibang aktibidad na gaya ng pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa mga kabataan sa komunidad at paaralang lokal.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method