Sa kanyang talumpati sa Pambansang Pulong sa Gawain ng Panloob na Regulasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos nitong Disyembre 20, 2021, dito sa Beijing, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na dapat lubos na ipatupad ang mahalagang papel ng panloob na regulasyon ng partido para sa pagpapanatili ng sentralisado at nagkakaisang pamumuno ng Komite Sentral ng CPC.
Ani Xi, ang regulasyon ay napakahalaga para sa pangmalayuang pamamahala ng CPC at sa patuloy na kaunlaran at katatagan ng buong bansa.
Samantala, nanawagan din sa naturang pulong si Wang Huning, miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, at miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral na CPC, na dapat isulong ang institusyonalisasyon ng internal na regulasyon ng partido para lalo pang pabutihin ang sistema at mas mahigpit na ipatupad ang regulasyon, upang ang mga institusyonal na benepisyo ay mauuwi sa mas epektibong pamamahala.
Salin:Sarah
Pulido:Mac