Xi Jinping: pabilisin ang pagbuo ng pinag-isang domestikong pamilihan

2021-12-18 17:53:23  CMG
Share with:

Binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapabilis ng pagbuo ng pinag-isang domestikong pamilihan.

 

Winika ito ni Xi, sa ika-23 pulong ng Sentral na Komite sa Pagpapalalim ng Komprehensibong Reporma ng bansa, na idinaos kahapon, Disyembre 17, 2021, sa Beijing.

 

Sinabi niyang, habang pinauunlad ng Tsina ang sosyalistang kabuhayang pampamilihan, dapat balansehin ang relasyon sa pagitan ng pamahalaan at merkado, para patingkarin ng merkado ang walang pag-aalinlangang papel sa paglalaan ng mga yaman, at mas mahusay na gampanan ng pamahalaan ang mga tungkulin nito.

 

Hiniling din niyang, pabilisin ang reporma sa merkado, para buuin ang mabisang pinangangasiwaan, bukas, at pinag-isang domestikong pamilihang may pantay-pantay na kompetisyon.

 

Dagdag ni Xi, dapat pangalagaan alinsunod sa batas ang mga lehitimong karapatan at kapakanan ng mga bahay-kalakal, at kaligtasan ng buhay at mga ari-arian ng mga mamamayan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method