Xi Jinping, bumati sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Xiamen Special Economic Zone

2021-12-21 16:34:58  CMG
Share with:

Ipinaabot ngayong araw, Disyembre 21, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Xiamen Special Economic Zone sa lalawigang Fujian sa silangang bansa.

 

Sinabi ni Xi, na nitong 40 taong nakalipas, nagbigay ang naturang espesyal na sonang pangkabuhayan ng mahalagang ambag para sa reporma, pagbubukas sa labas, at sosyalistang modernisasyon, at gumanap din ng natatanging papel para sa pagpapasulong ng reunipikasyon ng Tsina.

 

Umaasa rin aniya siyang sa pamamagitan ng sariling pag-unlad, patuloy na magdudulot ang Xiamen Special Economic Zone ng bagong sigla sa pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas, pagpapasulong sa kaunlaran sa mas mataas na kalidad, at integrasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method