Tsina sa Hapon: Itigil ang kilos na magpapalala sa situwasyon sa karagatan

2021-12-21 15:08:24  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Lunes, Disyembre 20, 2021 ang ika-13 round ng pagsasangguniang Sino-Hapones sa mataas na antas tungkol sa mga suliraning pandagat.

Sa pagsasanggunian, inulit ng panig Tsino ang solemnang posisyon nito sa mga isyung gaya ng Diaoyu Island.

Hinimok ng panig Tsino ang panig Hapones na aktuwal na igalang ang soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng panig Tsino, at itigil ang pagsasagawa ng anumang kilos na magpapalala sa situwasyon.

Bukod dito, ipinahayag ng panig Tsino ang kawalang-kasiyahan sa mga nagawang negatibong aksyon ng panig Hapones na nakakaapekto sa kaligtasang pandagat at panghimpapawid sa East China Sea at South China Sea. Inihrap din nito ang representasyon kaugnay ng mga inilabas na maling pananalita at aksyon ng panig Hapones sa isyu ng Taiwan Straits.

Buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang panghihimasok ng puwersang panlabas sa isyu ng Taiwan Straits. Hinihiling din nito sa panig Hapones na dapat mag-ingat sa pananalita at aksyon nito upang maiwasang maapektuhan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method