Sa pakikipagdiyalogo Setyembre 15, 2021 sa espesyal na tagapagbalita sa isyu ng kaligtasan ng inuming-tubig at instalasyong pangkalusugan na itinaguyod ng Ika-48 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), tinukoy ng kinatawang Tsino ang kaugnayan ng kontanimadong tubig ng Fukushima Nuclear Power Plant at kaligtasan ng kapaligirang ekolohikal ng buong mundo at buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.
Sinabi niyang kahit wala pang matinding pagsisikap ang Hapon upang isulong ang magkakasamang desisyon hinggil sa naturang usapin, ginawa nito ang unilateral na kapasiyahan upang itapon sa dagat ang kontaminadong tubig.
Diin niya, ito ay isang iresponsableng desisyon.
Hinimok niya ang panig Hapones na agarang itigil ang mali nitong polisya at kagawiang pipinsala sa pandaigdigang kapaligirang pandagat at pandaigdigang kalusugang pampubliko.
Dapat aniyang kusang-loob na tanggapin ng Hapon ang totohanang pagsisiyasat at pagsusuperbisa ng komunidad ng daigdig, partikular ng mga may-kaugnayang panig dahil ang isyung ito ay tuwirang makaka-apekto sa kanilang kapakanan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio