“Eksaktong mungkahi” ng Amerika hinggil sa talastasan sa isyung nuklear ng Iran, hindi pa inilabas

2021-12-22 16:19:29  CMG
Share with:

Disyembre 20, 2021,Tehran –  Ipinahayag sa news briefing ni Saeed Khatibzadeh, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na hindi pa iniharap ng Amerika ang “eksaktong mungkahi o teksto” hinggil sa talastasan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), kaya kaduda-duda ang totoong layon ng Amerika kaugnay nito.

 

Sinabi pa niya na magsisikap hangga’t maaari ang Iran para marating ang kasunduan sa talastasan.

 

Kung ipagkakaloob ng kabilang panig ang “eksaktong teksto,” maaaring marating ang kasunduan sa pinakamaikling panahon, dagdag niya.

“Eksaktong mungkahi” ng Amerika hinggil sa talastasan sa isyung nuklear ng Iran, hindi pa inilabas_fororder_03iran

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method