Tsina umaasang mararating agad ang pinal na kasunduan sa isyung nuklear ng Iran

2021-12-18 17:56:28  CMG
Share with:

Sa ika-7 round ng talastasan sa isyung nuklear ng Iran na ipininid kahapon, Disyembre 17, 2021, sa Vienna, Austria, ipinahayag ni Wang Qun, kinatawan ng Tsina sa tanggapan ng United Nations sa Vienna, ang pag-asa ng kanyang bansa, na ang mga mahalagang komong palagay na narating sa round na ito ay magiging pinal na kasunduan sa lalong madaling panahon.

 

Sinabi rin ni Wang, na pagkaraan ng tatlong linggo ng maraming negosyasyon, at sa pamamagitan ng malaking pagsisikap ng iba't ibang panig, narating sa ika-7 round ng talastasan ang mga mahalagang pagkakasundo at bagong dokumento.

 

Ito aniya ay magbibigay-daan sa pagpapasulong ng mga susunod na talastasan, at pagbalik ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) sa tamang landas.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method