Isang batas na sa Amerika ang Uyghur Forced Labor Prevention Act matapos itong lagdaan nitong Disyembre 23, 2021.
Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw Disyembre 24 ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyong ito ng Amerika ay paninirang-puri sa Tsina, malubhang lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig. Mahigpit na kinokondena at matatag na tinututulan ito ng Tsina.
Binigyan-diin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang umano’y “forced labor” at “genocide” ay kasinungalingan na ikinakalat ng ilang puwersang kontra-Tsina. Ang mga isyung may kinalaman sa Xinjiang ay hindi isyu ng karapatang pantao, ito ay isyu ng paglaban sa karahasan, terorismo at separatismo.
Ang paulit-ulit na pagkakalat ng Amerika ng kasinungalingan hinggil sa Xinjiang ay naglalayong sirain ang katatagan at kasaganaan ng Xinjiang at pigilan ang pag-unlad ng Tsina.
Binigyan-diin ng pahayag na ang mga suliranin ng Xinjiang ay suliraning panloob ng Tsina. Matatag ang kapasiyahan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina na pangalagaan ang soberanya, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad ng bansa. Dapat agarang itigil ng Amerika ang maling pananalita at aksyon. Gagawa ang Tsina ng kaukulang reaksyon ayon sa pagbabago ng kalagayan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac