CMG Komentaryo: Umano'y "Uygur Tribunal," walang kinalaman sa batas, hustisya o katotohanan

2021-09-16 00:30:02  CMG
Share with:

Ang umano'y "Uygur Tribunal" na nagsagawa kamakailan ng mga pagdinig sa London, Britanya, ay "tagagawa ng mga kasinungalingan" na naglalayong siraang-puri ang Xinjiang Uygur Autonomous Region.

 

Ang nasabing tribunal ay walang kinalaman sa batas, hustisya o katotohanan. Itinatag ito ng mga puwersang kontra Tsina, at ang saksi nito ay inilista na ng pamahalaang Tsino sa listahan ng mga terorista.

 

Ang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga pondo ng "Uygur Tribunal" ay anti-Tsina na samahang "World Uygur Congress" na laging nagsasagawa ng mga seperatistang aksyon, at ang "tagapangulo" nito na si Geoffrey Nice ay kilalang-kilala sa buong mundo sa pagsasampa ng walang kabuluhang mga kaso tungkol sa karapatang pantao.

 

Ang mga di-umanong "dalubhasa" ng tribunal na kinabibilangan ng Australian Strategic Policy Institute at Adrian Zenz ay matagal nang naghahabi ng mga kasinungalingan tungkol sa Tsina.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method