Inaprubahan kamakalawa ng mababang kapulungan ng Amerika ang Uyghur Forced Labor Prevention Act at isinumite ito kay Pangulong Joe Biden upang ratipikahan.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang buong tinding pagtutol ng kanyang bansa sa pagsasamantala ng Amerika sa mga isyung may-kinalaman sa Xinjiang at iba pang suliraning panloob ng Tsina.
Ani Zhao, hanggang sa kasalukuyan, may 500 libong batang manggagawa sa Amerika.
Bukod pa riyan, ang bilang ng mga taong ibinebenta at puwersahang pinagtatrabaho sa iba't ibang sektor ng Amerika ay umaabot sa 100 libo bawat taon.
Dapat aniyang tumpak na harapin at lutasin ng Amerika ang sariling problema bago ito makialam sa usapin ng iba.
Sa katotohanan, isinagawa ng pamahalaang Amerikano ang genocide laban sa mga orihinal na mamamayan ng kontinente ng Amerika, at ang umano’y genocide at sapilitang pagpapatrabaho sa Xinjiang ay pinakamalaking kasinungalingan sa ika-21 siglo, diin ni Zhao.
Pero, para sa Amerika, ang gawaing ito ani Zhao ay isang tamang politikal na aksyon.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio