Ministrong Panlabas ng Iran, lalahok at matapat na makikitungo sa talastasan ng JCPOA

2021-12-24 16:53:10  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Disyembre 23, 2021, ni Hossein Amir Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran, na sa matapat na pakikitungo, patuloy na lalahok ang Iran sa talastasan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) na idaraos sa Vienna, Austria.

 

Pero, sinabi rin niya na hindi tatanggapin ng Iran ang estratehiya ng talastasan ng ilang bansang kanluranin na “ibibigay ang 1 punto pero hihilingan ang 10 punto.”

 

Kung nais mapawi ng mga bansang kanluranin ang pagkabalisa sa aktibidad na nuklear ng Iran, dapat kanselahin nila ang lahat ng sangsyon sa Iran, dagdag niya.

Ministrong Panlabas ng Iran, lalahok at matapat na makikitungo sa talastasan ng JCPOA_fororder_01iran

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method