Tsina, kinumpirmang natanggap ang 18 visa applications ng mga opisyal na Amerikano para sa pagdalo sa Beijing Winter Olympics

2021-12-28 15:44:52  CMG
Share with:

Kinumpirma nitong Lunes, Disyembre 27, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na natanggap ng panig Tsino ang 18 visa applications ng mga kaukulang tauhang medikal at pang-seguridad na Amerikano para sa pagdalo sa Beijing 2022 Olympic Winter Games, at ipoproseso ang mga aplikasyong ito, batay sa pandaigdigang norma, kaukulang regulasyon at prinsipyo ng reciprocity.
 

Saad ni Zhao, nauna rito, batay sa layunin ng manipulasyong pulitikal at kahit walang natanggap na paanyaya, isinagawa ng panig Amerikano ang katawa-tawang hakbang ng hindi pagpapadala ng kinatawang diplomatiko o opisyal sa Beijing Winter Olympics.
 

Muling hinimok aniya ng Tsina ang Amerika na ipatupad ang diwa ng Olimpiyada, huwag isapulitika ang palakasan, at itigil ang anumang pananalita at kilos na humahadlang at nakakasira sa Beijing Winter Olympics.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method