Inihayag kamakailan ng iilang bansang gaya ng Amerika at Birtanya na hindi sila magpapadala ng mga opisyal sa Beijing Olympic Winter Games. Political sensationalization lang ang kanilang pahayag, dahil hindi naman sila inimbita ng Tsina. Ang pagdalo nila o hindi ay walang epekto sa tagumpay at pagkakaroon ng kamangha-manghang Beijing Winter Olympics.
Ang Beijing Winter Olympics ay pagtitipon-tipon para sa mga atleta at apisyunado ng palakasan sa yelo’t niyebe, at hindi ito entablado para sa mga pulitiko. Ang pahayag ng iilang bansang gaya ng Amerika at Britanya ay hindi makakaapekto sa pananabik ng komunidad ng daigdig sa nasabing Olimpiyada.
Ayon sa datos ng Beijing Organizing Committee para sa 2022 Winter Olympics at Paralympics, hanggang Nobyembre 17, isinumite ng mga komiteng tagapag-organisa ng Europa, Amerika, Kanada, Australya at Austria ang mahigit 14,000 aplikasyon sa pagrerehistro, kabilang dito, 1,528 ang bilang ng mga aplikasyong ibinigay ng komiteng tagapag-organisa ng Amerika.
Sa kasalukuyan, nananatiling matindi pa rin ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, at muling nagsagupaan ang ilang rehiyon. Ang pagtataguyod ng Beijing Winter Olympics sa ganitong kalagayan ay magpapakita ng pananabik ng mga mamamayan ng daigdig sa pagkakaisa, kapayapaan at pagkakaibigan.
Ang pamilyang Olimpiko ay hindi kinakatawan ng iilang bansa na gaya ng Amerika at Britanya. Tiyak na magiging simple, ligtas at kamangha-mangha ang gaganaping Beijing Olympic Winter Games.
Salin: Vera
Pulido: Mac