Ayon sa ulat na inilabas ng kamakailan ng China Society for Human Rights Studies, isinasagawa ng panig Amerikano ang pagsasapulitika ng karapatang pantao sa larangan ng pandaigdigang karapatang pantao, bagay na malubhang nagsasapanganib sa pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao, at nagbubusod ng napakasamang bunga.
Napapatunayan ng maraming katotohanan na ang karapatang pantao ay manipis na tabing lang ng Amerikanong hegemonismo at kasangkapang pulitikal para sikilin ang mga may paniniwala ng ibang paninindigan.
Sa pamamagitan ng pagsasapulitika ng karapatang pantao, grabeng dinudungisan ng Amerika ang ideya ng karapatang pantao, at nagdudulot ng nakakapipinsalang epekto sa global human right governance.
Ang aral mula “Emperor's New Clothes,” ay natutunan na ng marami, at dapat agarang itigil ng mga politikong Amerikano ang masamang aksyon ng pagsasapulitika ng karapatang pantao. Kung ipagpipilitan nila ang sariling paninindigan, gagantihan ng pinsala ang hegemonismong pandaigdig na puspusang ipinagtatanggol ng Amerika.
Salin: Vera
Pulido: Mac