1.8 bilyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, ipinagkaloob na ng Tsina sa komunidad ng daigdig

2021-11-25 16:30:48  CMG
Share with:

Sinimulan ngayong araw, Nobyembre 25, 2021 ng Tsina ang paghahatid ng 700,000 dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) bilang donasyon sa Laos.
 

Hanggang ngayon, ipinagkaloob na ng bansa ang mahigit 1.8 bilyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 sa komunidad ng daigdig.
 

Kabilang dito, 6.9 milyong dosis ang donasyon sa Laos, at nagsilbi itong pangunahing pinagmulan ng mga bakuna sa Laos.
 

Kaungay nito, inihayag ni Deng Boqing, Pangalawang Direktor ng China International Development Cooperation Agency, na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay mahalagang partner at priyoridad ng kooperasyon ng Tsina.
 

Aniya, muling ipagkakaloob ng bansa ang 150 milyong dosis ng libreng bakuna sa mga bansang ASEAN. Sa darating na 3 taon, magbibigay ng $USD 1.5 bilyong saklolong pangkaunlaran sa ASEAN.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method