Sa regular na preskong idinaos kahapon, sinabi ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ibinabaling ng Amerika ang pansin ng komunidad ng daigdig sa pamamagitan ng pagpapalaki ng di umano’y banta ng mga labing pangkalawakan o space debris at binibigyan ng masamang kahulugan ang normal na aktibidad sa kalawakan ng Tsina.
Nauna rito, iniharap ng Tsina ang isang dokumento sa Tanggapan ng mga Suliraning Pangkalawakan ng United Nations at sinabing sa taong 2021, dalawang beses na lumapit sa space station ng Tsina ang satelite ng Starlink Internet Services ng Amerika kung saan pinilit ang space station ng Tsina na baguhin ang orbit nito. Samantala, sinabi ng ilang eksperto na may dalang panganib ang mga labing pangkalawakan ng Tsina.
Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao na batay sa Outer Space Treaty na nilagdaan noong 1967, ang mga aktibidad na pangkalawakan ay responsibilidad ng bansa o pribadong kompanya na nagsagawa nito. Laging iginigiit ng Tsina ang mapayapang paggamit ng kalawakan at nakahandang panatilihin ang pag-uugnayan at pagtutulugan sa mga may kinalamang panig. Dagdag pa ni Zhao.
Salin:Sissi
Pulido: Mac
Ikalawang lakad-pangkalawakan, matagumpay na naisakatuparan ng mga astronaut ng Shenzhou-13
Bagong satellite para sa Earth observation, matagumpay na inilunsad ng Tsina
Kauna-unahang spacewalk ng mga taikonaut ng Shenzhou-13, matagumpay na naisagawa
Mga Shenzhou-13 astronaut, magsasagawa ng extravehicular activity