Ayon sa impormasyon ng China Manned Space Engineering Office, matagumpay na naisagawa kahapon, Nobyembre 7, 2021 ng dalawang taikonaut sa Shenzhou-13 na sina Zhai Zhigang at Wang Yaping ang kanilang extravehicular activities (EVAs), at ligtas na nakabalik sa core module Tianhe ng space station.
Si Wang Yaping ay kauna-unahang babaeng taikonaut na nagsagawa ng EVAs sa kasaysayan ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio