8 tampok ng diplomasya ng Tsina sa 2022, inilahad ni Wang Yi

2021-12-30 15:49:15  CMG
Share with:

Sa isang panayam sa China Media Group (CMG), inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang 8 tampok ng diplomasya ng Tsina sa darating na 2022.

Una, dapat buong sikap na likhain ang paborableng kapaligirang panlabas para sa gagawing Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); ikalawa, dapat makipagtulungan para sa maayos na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics; ikatlo, dapat aktibong pamunuan ang reporma sa pandaigdigang sistema ng pagsasaayos; ika-apat, dapat aktibong harapin ang mga hamon sa post-pandemic era; ikalima, dapat malalim na palawakin ang global partnership; ika-anim, dapat patuloy at matatag na ipagtanggol ang nukleong kapakanang pang-estado; ikapito, dapat aktibong paglingkuran ang pagbubukas at kaunlaran ng bansa; ikawalo, dapat buong sikap na ipatupad ang ideyang “diplomasya para sa mga mamamayan.”

Ani Wang, ayon sa Kalendaryong Tsino, ang taong 2022 ay Taon ng Tigre.

Sa aktibong atityud at aktuwal na aksyon, makikipagtulungan ang Tsina sa komunidad ng daigdig para makapaghatid ng napakalaking kasiglahan sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig at mapasigla ang usapin ng pagsulong ng buong sangkatauhan, dagdag pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method