Pangulong Tsino, dadalo sa aktibidad ng pagbibigay-gantimpala sa mga namumukod na tauhan ng Beijing Olympic at Paralympic Winter Games

2022-04-07 15:40:04  CMG
Share with:

Gaganapin Biyernes ng umaga, Abril 8, 2022 sa Great Hall of the People, Beijing ang aktibidad bilang pagbibigay-gantimpala sa mga gumawa ng namumukod na kontribusyon sa Beijing 2022 Olympic Winter Games at Beijing 2022 Paralympic Winter Games.


Dadalo at magtatalumpati rito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.


Isasagawa rin ng China Media Group (CMG) ang online live coverage sa kaganapang ito.


Salin: Vera


Pulido: Rhio